Kimika

Ang kimika o kapnayan ay agham pangkalikasan na nakatuon sa pag-aaral ng mga katangian at kilos ng materya. Tungkol ito sa mga elemento at kompuwesto (compound) at kung ano ang gawain ng mga ito. Ito ang pag-aaral ng mga bagay na bumubuo sa ating katawan at ng mundong ating ginagalawan. Tinatawag na kimiko o kemist ang taong nagpakadalubhasa sa kemika, bagaman tumuturing din ang sa kimiko mga sustansiyang kemikal. Bilang isang agham, nagsimula ang makaagham na pag-aaral ng kimika noong ika-16 na siglo. Ito ay noong natuklasan ng mga kimiko ang mga simpleng sabstans na bumuo sa iba pang sabstans. Tinawag nilang mga elemento ang mga simpleng sabstans na ito. Ang kompuwesto naman ay isang substance na binubuo ng dalawa o higit pang mga elemento.


Developed by StudentB